|
||||||||
|
||
Binuksan sa Beijing Martes, Hunyo 25, 2019, ang Coordinators' Meeting on the Implementation of the Follow-up Actions of the Beijing Summit of the Forum on the China-Africa Cooperation (FOCAC). Dumalo rito si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at nagbasa siya ng ipinadalang mensaheng pambati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Ipinahayag ni Wang na ang nasabing mensahe ni Xi ay lubos na nagpapakita ng malalim na pagkakaibigan ng Tsina sa mga bansa at mamamayang Aprikano. Ipinakikita rin aniya nito ang matinding mithiin ng pamahalaang Tsino sa pagpapaunlad ng mapagkaibigang kooperasyong Sino-Aprikano.
Dagdag pa niya, buong tatag na nagpupunyagi ang mga mamamayang Tsino at Aprikano para maisakatuparan ang "Chinese Dream at African Dream" sa pamamagitan ng kanilang sariling pagsisikap at kooperasyong pandaigdig. Aniya, hindi maaapektuhan ng anumang hadlang at negatibong elemento ang matatag na determinasyon ng Tsina at Aprika sa pagpapalakas ng kooperasyon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |