|
||||||||
|
||
Ouagadougou — Makaraang mag-usap Biyernes, Enero 4, 2019, sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Alpha Barry, Ministrong Panlabas ng Burkina Faso, magkasama silang nakipagkita sa mga mamamahayag.
Ipinahayag ni Wang na napakahalaga ng kapayapaan para sa Aprika. Aniya, palagiang nakakapagpatingkad ang Tsina ng espesyal at konstruktibong papel para sa kapayapaan at seguridad ng Aprika. Sa mahabang panahon, aktibong nakikilahok ang panig Tsino sa medyasyon sa mga mainit na isyu sa Aprika, at kinakatigan nito ang "paglutas ng mga mamamayang Aprikano sa mga isyu sa pamamagitan ng paraang Aprikano," aniya pa. Bilang kasalukuyang bansang tagapangulo ng United Nations (UN) Security Council, itinaguyod kamakailan ng Tsina ang pagdaraos ng bukas na debatehan tungkol sa aksyong pamayapa ng Aprika para mapasulong ang pagbibigay ng mas maraming bansa ng pagpapahalaga sa isyung pangkapayapaan at panseguridad ng Aprika, dagdag niya.
Ani Wang, patuloy at mahigpit na susubaybayan ng panig Tsino ang kapayapaan at kaligtasan ng Aprika. Batay sa mithiin at pangangailangan ng mga bansang Aprikano, makakapagbigay ang panig Tsino ng mas maraming pagsisikap at ambag para mapangalagaan ang kapayapaan at mapasulong ang seguridad sa Aprika, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |