|
||||||||
|
||
Beijing — Ginanap Martes, Hunyo 25, 2019, ang Coordinators' Meeting on the Implementation of the Follow-up Actions of the Beijing Summit of the Forum on the China-Africa Cooperation (FOCAC). Ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe bilang maringal na pagbati sa pangyayaring ito.
Tinukoy ni Xi na noong Setyembre ng nagdaang taon, matagumpay na idinaos sa Beijing ang Beijing Summit ng FOCAC, at mayroon itong katuturang historikal sa relasyong Sino-Aprikano. Ikinasisiya aniya niya ang magkakasamang pagsisikap ng dalawang panig at aktibong pinasusulong ang pagsasakatuparan ng mga natamong bunga ng summit para makapaghatid ng aktuwal na benepisyo sa mga mamamayang Sino-Aprikano.
Diin pa niya, ang magkakasamang pagsisikap ng Tsina at Aprika ay makakapagbigay ng mahalagang ambag para mapalakas ang puwersa ng mga umuunlad na bansa, maitayo ang panibagong relasyong pandaigdig, at maitatag ang komunidad ng komong kapalaran ng sangkatauhan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |