|
||||||||
|
||
https://www.facebook.com/CRIFILIPINOSERVICE/videos/2025765670881947/
Isa na namang serye ng konspirasiya ang ipinalaganap kamakailan ng ilang politiko at media ng Amerika, at isang French Nobel laureate hinggil sa pagiging artificially created "DI-UMANO" ng Sars-Cov-2, virus na nagsasanhi ng Corna Virus Disease 2019 (COVID-19).
Para ilabas ang katotohanan, ipinahayag ni Yuan Zhiming, Senior Virologist at Presidente ng Chinese Academy of Sciences, Sangay ng Wuhan, "imposibleng" ma-synthesize ang novel coronavirus dahil kakailanganin para rito ang "extraordinary knowledge and work," na lubhang mas mataas kaysa sa kakayahang panteknolohiya ng kasalukuyang panahon.
Aniya pa, ang haka-hakang nakalabas "DI-UMANO" ang virus mula sa biosafety na laboratoryo sa Wuhan, ay mas nakakatawa at isang malaking kalokohan.
Nauna rito, sinabi ni Luc Montagnier, Nobel Prize for Medicine 2008 Awardee, na ang novel coronavirus ay "manipulated and accidentally released from a laboratory in Wuhan" sa huling dako ng 2019.
Dahil dito, agaran siyang kinastigo ng maraming siyentipiko sa buong mundo, kabilang dito ang French virologist na si Simon Wain Hobson, na nagsabing ibinase ni Montagnier ang kanyang "misinformed accusation" sa pananaliksik na ginawa ng French mathematician na si Jean Claude Perez.
Ayon kay Perez, nakahanap siya "DI-UMANO" ng ebidensiya na ang virus ay may bahaging sintetiko, pero napatunayan na ito ay malaking kamalian.
Sa katulad na paraan, sinabi kamakailan sa Agance France Presse (AFP) ni Virologist Etienne Simon Loriere ng Institut Pasteur sa Paris, na ang claim ni Montagnier ay "absurd " dahil karaniwan lamang para sa mga organismo na magkaroon ng magkatulad na genome sa mga bacteria at virus.
"If we take a word from a book and it looks like another word, can we say that one has copied from the other? This is absurd!" mariing saad ni Etienne Simon Loriere.
Kitang-kita ang malisyosong layunin ng ilang politikong Amerikano at kanilang mga alipores sa pagkakalat ng walang basehang pananalitang ito.
Ang tunay na layon ng mga akusasyong ito ay guluhin ang mga pagsisikap ng Tsina laban sa pandemiya at lagyan ng sagabal ang mga pananalliksik ng Tsina tungkol sa virus.
Kaugnay nito, kamakailan ay humingi ng paumanhin ang kilalang scientific journal Nature sa nauna nitong pag-uugnay ng virus sa Tsina.
"Ang nagawa namin ay isang kamalian: inaako namin ang buong responsibilidad at humihingi kami ng paumanhin," anito.
Dagdag ng Nature, sa kabila ng pagpupunyagi ng mundo upang labanan ang pandemiya ng coronavirus, may ilang politiko pa ring yumayakap sa isang napag-iwanan, mali, at kupas na paniniwala: tulad ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, na ilang beses nang ini-ugnay ang virus sa Tsina; at Brasilyanong mambabatas na si Eduardo Bolsonaro, na nagsabing, ang situwasyon ay kasalanan ng Tsina, at ilan pang politikong Britaniko na naniniwalang kailangang isabalikat ng Tsina ang responsibilidad sa pandemiya.
Mariing ipinahayag ng Nature na ang patuloy na pag-uugnay sa virus at sakit na sanhi nito sa espisipikong lugar ay iresponsable at kailangang matigil.
SOURCE:
https://enapp.chinadaily.com.cn/a/202004/20/AP5e9ae4e7a3100bb08af08662.html
https://www.nature.com/articles/d41586-020-01009-0
http://global.chinadaily.com.cn/a/202004/09/WS5e8f165da3105d50a3d1518e.html
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |