Nagbabala kamakailan ang World Health Organization (WHO) na kasabay ng paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic, dapat pigilan ang pagsiklab ng isa pang epidemiya, ang "nakahahawang sakit ng impormasyon."
Ang "nakahahawang sakit ng impormasyon" ay tumutukoy na napakahirap na paglutas sa mga problemang dulot ng pagpapalaganap ng napakaraming mali o huwad na impormasyon.
Sa pag-aaral kamakilan ng Reuters Institute ng University of Oxford, 225 impormasyong may kinalaman sa novel coronavirus na pinakamalawakang lumaganap mula Enero hanggang Marso ng kasalukuyang taon ang masasabing peke o nakakalinlang, at ang 88% sa mga ito ay lumaganap, sa pamamagitan ng social media.
Iminungkahi ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) na dapat palaganapin sa internet ang nakararaming makatotohanan at siyentipikong kaalaman, kasabay ang pagbibigay-dagok sa patuloy na lumalalang pagkalat ng huwad na impormasyon. Aniya, ang maling impormasyon ay parang droga, at magsasapanganib sa buhay ng mas maraming tao.
Salin: Vera