Pinuna nitong Lunes, Abril 20, 20202 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pananalita ni Peter Navarro, White House Trade Adviser ng Amerika, hinggil sa pakikinabang nang malaki ng Tsina sa pagtatago ng mga pamproteksyong kagamitan.
Tinukoy ni Geng na hindi nagtinggal o nag-hoard ang Tsina ng mga personal protective equipment. Aniya, batay sa mga kagamitang ipinagkaloob ng Tsina sa Amerika, mapapabulaanan ang kasinungalingan ni Navarro.
Dagdag niya, ayon sa di-kompletong datos ng adwana ng Tsina, mula noong Marso 1 hanggang Abril 17, ipinagkaloob ng Tsina sa Amerika ang 1.864 bilyong maskara, 258 milyong pares ng gloves, 29.19 milyong surgical protective suits, 3.13 milyong googles, 156 invasive ventilators at 4,254 non-invasive ventilators.
Salin: Vera