Martes ng umaga, Abril 21, 2020, naglakbay-suri si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, sa isang komunidad sa Pingli County ng Lunsod ng Ankang, Lalawigang Shaanxi sa hilagang kanluran ng Tsina.
Binisita ni Xi ang relocated family ni Wang Xianping. Tinukoy niyang ang maginhawa't maligayang pamumuhay ay nakabatay sa matatag na hanap-buhay.
Dagdag ni Xi, may kompiyansa siyang komprehensibong matatapos ang tungkulin ng pagbibigay-tulong sa mga mahihirap sa loob ng kasalukuyang taon. Pinag-uukulan aniya niya ng mas malaking pansin ang pagtatatag ng isang pangmatalagang mekanismo.
Salin: Vera