Sa kanyang komentaryong inilabas nitong Huwebes, Abril 23, 2020 sa pahayagang The Times ng Britanya, pinuna ni Mark Logan, miyembro ng parliamento ng Tory o Conservative Party ng Britanya, ang pagpapalaganap ng ilang pulitiko at media ng mga di-totoong impormasyon at ostilong pananalita hinggil sa Tsina, kaugnay ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Nanawagan si Logan na sa halip ng pagbabalewala at pangungutya sa Tsina, dapat pag-ibayuhin ang pag-uunawaan at paggalang sa Tsina. Aniya, kailangang magkapit-bisig ang mga bansang kanluranin at silanganin, upang makinabang sa globalisasyon.
Salin: Vera