Sa panayam kamakailan sa China Media Group (CMG), ipinahayag ni Douang Chith SAVATBOUNMY, Editor-in-Chief ng Pasaxon Newspaper, opisyal na pahayagan ng Laos, na sa proseso ng pagharap sa pandemiya ng COVID-19, palaging nananatiling bukas at maliwanag ang Tsina.
Hindi aniya katanggap-tanggap ang pagdungis sa reputasyon ng Tsina ng ilang politiko mula sa ilang bansa gamit ang pandemiyang ito.
Kasabay ng lubos na paghanga sa mabisang pagkontrol ng Tsina sa epidemiya sa loob ng bansa, mataas na pinapurihan ni Douang Chith SAVATBOUNMY ang aktibong pagbibigay-tulong ng Tsina sa iba't-ibang bansang apektado ng epidemiya at pagbabahagi ng karanasan sa kanila.
Salin: Lito