|
||||||||
|
||
Noong isang linggo, sinusugan ng Wuhan, dating episentro ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic sa Lalawigang Hubei ng Tsina, ang mga datos hinggil sa COVID-19 pandemic.
Pero walang batayang pinagdudahan ni Pangulong Donald Trump ng Amerika at ilang dayuhang media ang mga sinusugang datos.
Ayon sa kanila, posibleng mas mataas ang aktuwal na datos, kumpara sa inilabas ng Tsina.
Pero sa tingin ni Xu Mengqi, mamamahayag ng China Global Television Network (CGTN) ng China Media Group (CMG), bago gawin ang anumang pagtasa, dapat munang alamin kung paano pinangangalagaan ng mga residente ng nasabing lunsod ang kani-kanilang tahanan.
Salin: Vera
Video Credit: CGTN
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |