|
||||||||
|
||
Sa news briefing nitong Linggo, Abril 26, 2020, isinalaysay ni Li Xingqian, Puno ng Departamento ng Kalakalang Panlabas ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na kahit mabigat pa rin ang tungkulin ng pagpigil at pagkontrol sa COVID-19 pandemic sa loob ng bansa, palagiang ipinagkakaloob ng pamahalaang Tsino ang suporta't tulong sa komunidad ng daigdig, sa abot ng makakaya, sa pamamagitan ng iba't ibang paraan at tsanel.
Diin niya, hindi kailanman hinadlangan ng Tsina ang pagluluwas ng mga materyal para sa paglaban sa epidemiya.
Ibinibigay aniya ng Tsina ang ginhawa at suporta sa pagbili ng iba't ibang bansa ng mga kaukulang materyal.
Ayon sa datos, noong Abril 24, iniluwas ng Tsina ang 1.06 bilyong maskara, at ang datos na ito ay lumaki ng 3.7 ulit kumpara noong Marso 31.
Hanggang Abril 25, nilagdaan ng 74 na bansa't rehiyon at 6 na organisasyong pandaigdig, kasama ng Tsina ang kontratang komersyal sa pagbili ng 192 pangkat ng mga materyal na medikal, at ang lahat ng mga ito ay nagkakahalaga ng 1.41 bilyong dolyares.
Isinalaysay pa ni Li na inilabas din ng mga kaukulang departamento ng bansa ang mga proklamasyon, upang pag-ibayuhin ang pagsusuperbisa't pangangasiwa sa pagluluwas ng mga materyal na medikal at mga maskarang hindi para sa gamit na medikal.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |