|
||||||||
|
||
Sinabi kamakailan ni Robert Lawrance Kuhn, Tagapangulo ng The Kuhn Foundation ng Amerika, na: "Sa simula pa lamang, lubos at malakas ang aking kompiyansang magtatagumpay ang Tsina laban sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Walang dudang sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina, mabilis at matinding malalabanan ng sistemang pulitikal at pamahalaang Tsino ang epidemiya."
Samantala, tinawag ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), ang epidemiya ng COVID-19 na "pinakamatinding krisis pandaigdig sapul nang the World II."
Unang-unang naapektuhan ng epidemiya ang Tsina pero natamo ng Tsina ang tagumpay.
Sa palagay ni Kuhn, dahil sa matagumpay ng karanasan Tsina, naipakita nito sa komunidad ng daigdig ang bentahe ng sistemang Tsino.
Tulad ng palagay ng maraming iskolar, ang pamumuno ng CPC ay pinakamahalagang dahilan kung bakit nagtagumpay ang Tsina sa harap ng epidemiya.
Salin:Sarah
Sa panahon ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, sunud-sunod na isinagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang imbestigasyon at patnubay sa lunsod Beijing at Wuhan, at mga lalawigang tulad ng Zhejiang at Shaanxi.
Ipinakita nito ang ideya ng CPC na "Pagbibigay-priyoridad sa Sangkatauhan," at ipinakita rin nito ang maliwanag na signal, na may kakayahan ang Tsina na pagtagumpayan ang epidemiya.
Sa harap ng krisis, ipinakita ng aksyon ng CPC at pamahalaang Tsino na sila ay matatag na tagapagsanggalang ng kapakanan ng mga mamamayan.
Ang mabilis at malakas na paglaban ng Tsina sa epidemiya ay nag-iwan ng malalim na impresyon sa daigdig.
Tinukoy ni Heinz Dieterich, kilalang dalubhasang panlipunan ng Latin Amerika, na ang malakas na aksyon ng pamahalaang Tsino ay decsididong dahilan sa pagpigil sa epidemiya.
Sinabi rin ni Sara Flounders, manunulat ng Amerika, na ang malakas na hakbanging isinagawa ng Tsina ay nagbigay-diin sa pundamental na kalidad ng soyalismong may katangiang Tsino.
Walang anumang bagay sa daigdig ang 100% perpekto.
Sa harap ng epidemiya, lumitaw ang mga problema sa kapuwa mga bansang kanluranin at mga umuunlad na bansa.
Para rito, maliwanag na iniharap ng pinakamataas na lider ng Tsina na: "Sa pagpigil sa epidemiya, dapat pag-aralan ang karanasan. Ang walang humpay na pag-aaral sa karanasan at pagpapabuti ng sarili, ay dahilan ng tagumpay ng CPC."
Ang naturang tapang sa pagharap sa problema at pagsasagawa ng reporma, ay bentahe at kabutihan ng sistemang Tsino.
Sa hinaharap, tiyak na magiging mas matingkad ang papel na gagampanan ng Tsina para sa daigdig.
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |