|
||||||||
|
||
"Sa kasalukuyan, hindi dapat maging kampante sa mga hakbangin ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, at hindi dapat isagawa ang mga di-kailangang pagtitipon-tipon. Ito ay isa sa mga pagpapakita ng lebel ng pangangasiwa ng estado. Mabilis na pangasiwaan ang mga kinakailangang bagay, at maayos na paluwagin ang pangangasiwa sa ibang bagay na di-kailangan ng pangangasiwa, ito ay kakayahan sa pangangasiwa."
Winika ito ni Xi Jinping, Kataas-taasang lider ng Tsina sa panahon ng kanyang paglalakbay-suri sa Lalawigang Zhejiang, nang mabanggit ang mga gawain ng pagpigil at pagkontrol sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at pag-unlad ng kabuhaya't lipunan.
Ang COVID-19 pandemic ay isang biglaang pangyayari ng kalusugang pampubliko na pinakamabilis at pinakamalawak ang pagkalat, at pinakamahirap ang pagkontrol, sapul nang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina noong 1949. Ito rin ay isang malaking pagsubok sa sistema at kakayahan ng pangangasiwa ng bansa.
Pagkaraan ng masigasig na pagsisikap, nakalipas na ang peak period ng kasalukuyang round ng pagkalat ng virus sa loob ng Tsina. Natamo rin ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ang mahahalagang bunga sa kasalukuyang yugto.
Hindi lamang itinatag ng Tsina ang malakas na sistema ng magkakasanib na pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, kundi iginarantiya rin ang normal na operasyon ng lipunan.
Sa pamamagitan ng epidemiya, mas malinaw at obdyektibong pinakitunguhan ng daigdig ang sistemang panlipunan at kakayahan sa pangangasiwa ng Tsina. Tulad ng sabi ng katas-taasang lider na Tsino, ang pagiging mas mahusay at mas matatag ng sistema ay isang dynamic process, at pati rin ang modernisasyon ng kakayahan sa pangangasiwa. Imposible itong matupad nang madali."
Sa kanyang paglalakbay-suri sa Zhejiang, muling ipinagdiinan ni Xi na ang susi ng pagtatagumpay ng Partido Komunista ng Tsina ay walang humpay na pag-pulot ng mga karanasan, pagwawasto sa sariling kamalian, at pagpapabuti ng sarili.
Ang ganitong lakas-loob na direktang humarap sa mga problema, at pagrereporma sa sarili ay kodigong lihim ng walang humpay ng pagsulong at pagkompleto ng paraan ng Tsina sa pangangasiwa.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |