|
||||||||
|
||
Nag-usap sa telepono Abril 27, 2020, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Bidhya Devi Bhandari ng Nepal.
Tinukoy ni Xi na sa mahalagang panahon ng paglaban ng Tsina sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ipinagkaloob ng pamahalaan at mga mamamayan ng Nepal ang buong tatag na suporta sa Tsina. Ngayon, nagbigay din ang Tsina ng pansin sa kalagayan ng epidemiya sa Nepal at patuloy na ipinagkakaloob ang suporta sa Nepal.
Binigyan-diin ni Xi na nananangan ang Tsina sa ideya ng pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan, aktibong isasagawa ang kooperasyong pandaigdig sa paglaban sa epidemiya, at susuportahan ang namumunong papel ng World Health Organization (WHO).
Ipinahayag ni Bhandari na lubos na pinahahalagahan ng Nepal ang agarang pagsasagawa ng Nepal ng mabisang hakbangin na matagumpay na pumigil sa epidemiya sa bansa, at pinapurihan ang Tsina sa aktibong papel na nagsusulong sa pagpapalakas ng pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa epidemiya.
Pinasalamatan niya ang Tsina sa ipinagkaloob na tulong materyal sa Nepal. Ipinahayag din niya na patuloy na pasusulungin ng Nepal ang kooperasyon ng dalawang bansa sa transnasyonal na daambakal.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |