|
||||||||
|
||
Natapos nitong Linggo, Oktubre 13, 2019 ang dalawang araw na dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Nepal. Nagbukas ang nasabing pagdalaw ng bagong panahon ng mapagkaibigang kooperasyon ng dalawang bansa.
Unang una, sa panahon ng naturang pagdalaw, ini-upgrade ng Tsina at Nepal ang kanilang komprehensibo't kooperatibong partnership na tiniyak noong nagdaang 10 taon sa estratehiko't kooperatibong partnership. Ito ay nangangahulugang magiging mas malawak ang kooperasyon ng dalawang bansa tungo sa kaunlaran at kasaganaan sa hinaharap.
Ika-2, ang maalwang sinerhiya ng pagtatatag ng land-linked country ng Nepal at Belt and Road Initiative na iniharap ng Tsina ay makakatulong sa pagsasakatuparan ng Nepal ng magandang adhikaing "Masaganang Nepal, Maligayang Nepali."
At ika-3, naging mas matibay ang pagtitiwalaang pulitikal ng Tsina at Nepal. Ibig sabihin, patuloy na kakatigan ng dalawang bansa ang isa't isa sa mga isyung may kinalaman sa nukleong interes ng isa't isa, bagay na makakapaglatag ng matibay na pundasyong pulitikal para sa sinerhiya ng estratehiya ng dalawang bansa sa maraming larangan, pagbabahagi at pagtuto ng karanasan sa pag-unlad, at pagsasagawa ng pragmatikong kooperasyon.
Ang susunod na taon ay ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Nepal. Sa bagong starting point, patuloy na pahihigpitin ng kapuwa panig ang pagtitiwalaang pulitikal, pasusulungin ang pagbubukas at pagkakahalu-halo, lilikhain ang community with a shared future ng dalawang bansa, at pauunlarin ang pagkakaibigan sa bagong antas.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |