Kaugnay ng katatapos na pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Indya at Nepal, sinabi kahapon, Linggo, ika-13 ng Oktubre 2019, ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng bansa, na ito ay tunay na makabuluhan at at maraming bunga.
Dagdag ni Wang, nagbigay ang biyaheng ito ng bagong sigla sa relasyon ng Tsina sa Indya at Nepal, nagkaloob ng bagong plataporma para sa pagpapalakas ng pangkapitbansang pagkakaibigan sa Timog Asya, at nagbukas ng bagong kabanata ng pragmatikong kooperasyong panrehiyon.
Salin: Liu Kai