|
||||||||
|
||
Nitong ilang araw na nakalipas, sa maraming porma, pinuna ng iba't-ibang sirkulo at pangunahing media ng Aprika si Pangulong Donald Trump ng Amerika sa kanyang pagbatikos sa World Health Organization (WHO), pagsuspinde ng pondo sa WHO, at iba pa. Nanawagan din silang dapat ibayo pang palakasin ng Tsina at Aprika ang kooperasyon upang magkakasamang labanan ang COVID-19 pandemic.
Bilang tugon sa pagbatikos ni Trump sa WHO na umano'y "grabeng nagpabaya sa tungkulin at nagtago ng impormasyon ng corona virus," ipinahayag ng mga lider na Aprikano ang kanilang opinyon.
Mula noong Abril 8, magkakasunod na ipinalabas sa social media nina Cyril Ramaphosa, Tagapangulo ng Unyong Aprikano (AU) at Pangulo ng Timog Aprika, kasalukuyang bansang tagapangulo ng AU, Paul Kagame, Pangulo ng Rwanda, Hage Geingob, Pangulo ng Namibia, at iba pang lider na Aprikano, ang kanilang pagkagulat sa pagtutol ng pamahalaang Amerikano sa pamunuan ng WHO sa pakikibaka ng buong daigdig laban sa epidemiya. Anila, puspusang kakatigan ng AU at mga bansang Aprikano ang WHO at Direktor-Heneral nitong si Tedros Adhanom Ghebreyesus.
Bilang reaksyon sa kolektibong posisyon ng mga lider na Aprikano, inilathala kamakailan ng pahayagang "Daily Nation" ng Kenya ang artikulong "Pinapasigla ng COVID-19 pandemic ang kompetisyon ng impluwensiya ng Tsina at Amerika sa Aprika." Tinukoy nito na dahil sa pag-atake ni Trump sa WHO at Tedros Adhanom Ghebreyesus, nabuo ang pagkakaroon ng mga lider na Aprikano ng walang katulad na komong paninindigan.
Noong Abril 15, isinapubliko ng opisyal na website ng national television station ng Zambia ang artikulong "Napakamapanganib ng pagsuspendi ni Trump ng pondo sa WHO." Bukod dito, magkakahiwalay na ipinalabas ng mga pangunahing media ng Kenya ang mga artikulo bilang pagkondena sa nasabing nagawa ni Trump. Anila, ang pagputol ni Trump ng pondo sa WHO ay "nakakapagpahina sa kakayahan ng WHO sa paglaban sa epidemiya, at nakakasira sa pandaigdigang kooperasyon."
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |