|
||||||||
|
||
Sinabi kamakailan ni Michael Melham, Mayor ng Belleville, New Jersey ng Amerika, na nahawahan siya ng novel conoravirus noong nagdaang Nobyembre.
Aniya, ayon sa resulta ng pagsusuri, mayroon siyang coronavirus anti-bodies.
Ang kanyang kaso ay 2 buwang mas maaga kumpara sa unang naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika; bagay na ibayo pang nagpatunay sa kasinungalingang inihahasik ng ilang pulitikong Amerikano na di-umano'y "may maliwanag silang impormasyon" hinggil sa epidemiya.
Sa kasalukuyan, nangunguna sa buong mundo ang Amerika sa bilang ng mga kumpirmadong kaso at mga pumanaw sa COVID-19.
Pero sa kabila nito, walang-kibo ang mga pulitiko ng Washington tungkol sa pangongolekta, paglalagom at paglalabas ng mga impormasyon kaugnay ng epidemiya sa loob ng bansa.
Sila ngayon ay malawakang binabatikos dahil sa paglilihim ng impormasyon tungkol sa epidemiya.
Hindi lamang ito lumalapastangan sa karapatan sa impormasyon ng mga mamamayang Amerikano at nagpapamanhid sa damdamin ng lipunan, kundi, ito rin ay nagpapabagal sa episyenteng pagharap ng bansa sa epidemiya, at nagbunga ng di-mababawing kapinsalaan.
Paulit-ulit na itinatagi ng mga pulitiko ng Washington ang mga impormasyon hinggil sa epidemiya, at layon nilang ilihim ang kanilang pagka-inutil sa pangangasiwa ng bansa.
Isa rin ito sa mga sanhi ng malawakang pagkalat ng virus.
Ito'y napakalaking trahedya sa isang bansang nangunguna sa larangang medikal at siyensiya't teknolohiya na tulad ng Amerika.
Dahil sa sinasadyang paglilihim at pagpilipit sa katotohanan ng ilang politikong Amerikano, mahirap para sa Amerika na pagtagumpayan ang virus.
Sa harap ng pagkamatay ng libu-libong inosenteng mamamayan dahil sa COVID-19, karapat-dapat bang siyasatin ang pananagutan dito ng mga pulitikong Amerikano, na walang ibang inatupag kundi pansariling kapakanan lamang?
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |