|
||||||||
|
||
Sinagot Sabado, Mayo 9, 2020 ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Pangulo ng bansa, ang mensahe ni Kim Jong Un, Tagapangulo ng Workers' Party of Korea (WPK) at Tagapangulo ng State Affairs Commission ng Hilagang Korea.
Saad ni Xi, sa ilalim ng pamumuno ng Komite Sentral ng CPC at pagsuporta ng iba't ibang panig, nakuha ng Tsina ang mahalagang progreso sa pagpigil at pagkontrol sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic. Pinasalamatan niya ang pagkatig ni Kim sa panahon ng pagsiklab ng COVID-19.
Aniya, pinahahalagahan din niya ang kalagayan ng pandemiya at kasulugan ng mga mamamayan sa Hilagang Korea.
Nanawagan si Xi na magpunyagi ang kapuwa panig, upang palakasin ang kooperasyon sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya. Nakahanda ang Tsina na patuloy na ipagkaloob sa abot ng makakaya ang tulong sa Hilagang Korea sa paglaban sa pandemiya.
Diin ni Xi, pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon sa Hilagang Korea, at umaasang ipapatupad ang mga mahalagang komong palagay, palalalimin ang estratehikong komunikasyon, upang ibayo pang mapalakas ang bilateral na relasyon sa bagong panahon.
Nitong Huwebes, Mayo 7, ipinadala ni Kim ang mensahe kay Xi, bilang pagbati sa tagumpay ng Tsina sa pagkontrol sa pandemiya.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |