Ayon sa estadistika na inilabas Mayo 12, 2020, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, noong nakaraang Abril, lumaki nang 3.3% ang Consumer Price Index (CPI) ng Tsina kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon. Samantala bumaba nang 1 porsyento ang consumer inflation kumpara noong nakaraang buwan.
Lumaki nang 4.5% ang CPI sa unang 4 na buwan ng 2020.
Tinukoy ni Yao Jingyuan, Dalubhasa ng Konseho ng Estado ng Tsina na maliwanag na bumaba consumer inflation noong Abril. Ipinakita nito na lalo pang pinagtibay ng mabuting kalagayan ang pagpigil sa epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa loob ng Tsina, at mabilis na nanumbalik ang kaayusan ng pagpoprodyuse at pamumuhay.
Ipinahayag din ni Yao na ayon sa pagtaya, magiging mababa at matatag ang kalagayan ng kabuuang lebel ng presyo ng mga paninda sa Mayo, 2020.
Salin:Sarah