Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: Washington, nagbabakasakali ng buhay ng mga Amerikano sa pamamagitan ng larong pulitikal

(GMT+08:00) 2020-05-12 18:16:31       CRI

Balak ng pamahalaang Amerikano na pararatangan ang Tsina sa pagtatangkang "magnakaw ng bunga ng pananaliksik ng Amerika sa aspekto ng pagdedebelop ng bakuna para sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at lunas sa panggagamot sa COVID-19. Ayon sa ulat na inilabas ng pahayagang New York Times nitong Linggo, Mayo 10, 2020, ilalabas ng Federal Bureau of Investigation (FBI) at Department of Homeland Security ng Amerika ang isang paalaalang pampubliko tungkol dito.

Ito ay isa sa mga pinakahuling plano ng panig Amerikano sa pagbaling ng sariling pananagutan sa Tsina.

Anu-ano ang ginawa ng pamahalaang Amerikano sa aspekto ng pagdedebelop ng bakuna, sapul nang sumiklab ang epidemiya ng COVID-19?

Ayon sa ulat ng media, noong nagdaang Marso, nagtangka ang Amerika na mamonopolisa ang teknik ng pagdedebelop ng bakuna ng isang biotechnology company ng Alemanya, para sa paggamit ng Amerika lang.

Sa Coronavirus Global Response, isang pledging event na pinamumunuan ng Unyong Europeo (EU), 7.4 bilyong Euro na pondo ang iniabuloy ng iba't ibang panig, para sa pagpapasulong sa pagdedebelop, pagpoprodyus, at makatarungang pamamahagi ng bakuna. Pero bilang pinakamaunlad na bansa sa buong mundo, sero ang ibinayad ng pamahalaang Amerikano.

Higit sa lahat, ayon sa ulat ng Columbia Broadcasting System (CBS) nitong Linggo, Mayo 10, inalis ng administrasyon ni Trump ang coronavirus research funding sa kilalang American virologist na si Peter Daszak, dahil may kooperasyon ang kanyang pananaliksik sa Wuhan Institute of Virology ng Tsina.

Sa kabilang banda naman, bilang bansang pinakamaagang ipinaalam sa World Health Organization (WHO) ang kalagayan ng epidemiya ng COVID-19, laging bukas ang pakikitungo ng Tsina sa kooperasyon sa pagdedebelop ng bakuna. Ibinahagi agad nito sa iba't ibang bansa ang viral gene sequence, at aktibong isinagawa ang kooperasyong pandaigdig sa pagdedebelop ng gamut at bakuna.

Bukod dito, nag-abuloy ang Tsina ng 50 milyong dolyares na pondo sa WHO, bilang suporta sa pagpapasulong sa pagdedebelop, pagpoprodyus at makatarungang pamamahagi ng mga kaukulang bakuna at kagamitan sa diagnosis at panggagamot. Inilabas din nito sa magasing "Science" ang resulta ng kauna-unahang pagsusuri ng unang bakuna ng COVID-19 sa hayop sa buong mundo.

Sa aspekto ng pananaliksik sa bakuna at paraan ng panggagamot sa COVID-19, nangunguna sa daigdig ang Tsina, at laging bukas ang pakikitungo nito.

Tulad ng sabi ng ilang tagamasid, "bilang bansang may pinakamasaganang karanasan sa pagharap sa corona virus, di-kailangang magnakaw ang Tsina ng impormasyon ng panig Amerikano, sa pamamagitan ng hacker attack.

Ang bakuna ay malakas na sandata ng sangkatauhan para sa paglaban sa virus. Abalang-abala ngayon ang mga mananaliksik sa iba't ibang sulok ng mundo para hanapin ang bakuna at paraan ng panggagamot sa COVID-19. Huwag patuloy na magbakasakali ang ilang pulitikong Amerikano ng mahalagang buhay mga mamamayang Amerikano sa isyung ito.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>