|
||||||||
|
||
Sa kanyang panayam sa mamamahayag ng China Media Group (CMG), sinabi nitong Linggo, Mayo 10, 2020 ni Max Blumenthal, Tagapagtatag ng investigative report website na Grayzone ng Amerika, na ang pagbubulag-bulagan ng pamahalaang Amerikano sa impormasyon ng epidemiya na ipinaalam ng Tsina ay nagbunga ng malawakang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa loob ng bansa.
Aniya, ang pagbabaling ng pananagutan sa Tsina ay walang maidudulot na kabutihan.
Saad ni Blumenthal, mula noong Enero 3, sinimulang regular na ipaalam ng Tsina ang mga impormasyong may kinalaman sa epidemiya sa World Health Organization (WHO) at mga kaukulang bansang kinabibilangan ng Amerika. Pero nagbulag-bulagan aniya ng mga opisyal ng Amerika sa ganitong paalaala, higit sa lahat, sinabi ni Pangulong Donald Trump na "kontrolado ang lahat."
Dagdag niya, noong unang dako ng Enero, hinangaan ni Trump ang gawain ng Tsina laban sa epidemiya ng COVID-19, pero iba na ngayon ang pananalita ng Kagawaran ng Estado ng Amerika.
Ani Blumenthal, pagkaraang di-makontrol ang kalagayan ng epidemiya sa loob ng bansa, sinimulang ibaling ng pamahalaang Amerikano ang pananagutan sa ibang bansa. Aniya, sa pamumuno ng pamahalaan ni Trump, isang personaheng kontra-Tsina na tumatanggap ng pondo ng pamahalaang Amerikano ay nagbalatkayong "siyentipiko," at niluto ang conspiracy theory na "ang coronavirus ay nagmula sa isang laboratoryong biolohikal ng Wuhan, Tsina." Ang ganitong pananalita ay kinontra na ng mga siyentipiko ng iba't ibang bansa.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |