Inilabas nitong Martes, Mayo 12, 2020 ng pahayagang The Guardian ng Britanya ang artikulong pinamagatang "The race for a vaccine: How Trump's 'America First' approach hinders the global search."
Anang artikulo, sa pagharap sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic, tinanggihan ng Amerika ang paglahok sa kooperasyong pandaigdig.
Sa tingin ng artikulong ito, hindi paborable ang pakikitungo ni Trump sa pagharap sa pandemiya ng COVID-19 at pagdedebelop ng bakuna. Anito, hayagang tinanggihan ng Amerika ang pagdalo sa Coronavirus Global Response, isang pledging event na pinamumunuan ng Unyong Europeo (EU), at vaccine summit na itataguyod ng Britaniya sa unang dako ng Hunyo, bagay na humahadlang sa kooperasyon ng grupo ng pagdedebelop ng bakuna ng Amerika sa mga global partner.
Sinipi rin ng artikulo ang komento ni Stephen Morrison, dalubhasa ng Center for Strategic and International Studies ng Amerika, na nagsasabing "isinasagawa ng Amerika ang unilateral na aksyon, batay sa adhikaing "America First." Ang ganitong kilos ay magbubunga ng alitan at di-tiyak at di-ligtas na damdamin sa paglaban ng buong mundo sa pandemiya ng COVID-19."
Salin: Vera