Sinabi nitong Miyerkules, Mayo 13, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang grupo ng mga dalubhasang medikal na ipinadala ng Tsina sa Ethiopia at Djibouti ay lubos na pinapupurihan at pinahahalagahan ng panig Aprikano. Aniya, ang kooperasyon sa paglaban sa pandemiya ay tunay na halimbawa ng pagtatatag ng mas mahigpit na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Aprika.
Isinalaysay ni Zhao na sapul nang sumiklab ang pandemiya, naipadala na ng panig Tsino sa Aprika ang 5 grupo ng mga dalubhasang medikal, at itinaguyod ang halos 30 virtual meeting.
Aktibo rin aniyang umaksyon sa lokalidad ang mahigit 40 grupong medikal ng Tsina sa Aprika. Isinagawa nila ang halos 400 pagsasanay para ibahagi ang karanasan sa paglaban sa epidemiya, at sinanay ang mahigit 20,000 person-time na iba't ibang uri ng tauhan sa lokalidad, dagdag ni Zhao.
Salin: Vera