Ipinahayag Mayo 19, 2020, ni Ma Xiaoguang, Tagapagsalita ng Tanggapan sa mga Suliranin ng Taiwan ng Konseho ng Estado ng Tsina, na ang kapasiyahan ng Ika-73 World Health Assembly ay nagpakita na, mali ang "pagsasarili ng Taiwan" walang nakuhang suporta ang pagtutulak ng mga ideyang may kinalaman sa Taiwan sa Wolrd Health Assembly, at ang prinsipyo ng Isang Tsina ay komong palagay ng komunidad ng daigdig.
Ipinatalastas Mayo 18, 2020, ng Tagapangulo ng Ika-73 World Health Assembly na hindi tatalakayin sa pulong ang umano'y proposal ng "Pag-anyaya sa Taiwan na pumasok sa World Health Assembly bilang tagamasid" na inilahad ng ilang bansa.
Sapul nang lumitaw ng epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) hanggang ngayon, walang humpay na isinusulong ng mga kasapi ng Democratic Progressive Party ng Taiwan ang "pagsasarili ng Taiwan", sa katwiran ng epidemiya, at sa iba't ibang paraan. Tinukoy nang maraming beses ng Ministring Panlabas ng Tsina at Tanggapan ng mga Suliranin ng Taiwan ng Tsina na: Sa mula't mula pa'y, lubos na pinahahalagahan ng Chinese mainland ang kalusugan ng mga kababayan ng Taiwan. Sa mga suliraning pandaigdig, napapanatili ng Chinese mainland ang prinsipyo ng Isang Tsina, isinagawa ang mga hakbangin, pinasulong ang kooperasyon at pagpapalitan ng magkabilang pampang sa larangang pangkalusugan, at maayos na hinahawakan ang rehiyon ng Taiwan na maging kasali sa mga suliraning pangkalusugan ng buong mundo.
Idinaos ang 2020 World Health Assembly sa pangkagipitang oras ng pagkakalat ng krisis ng COVID-19 sa buong daigdig. Tiyak na tinututulan ng komunidad ng daigdig ang pagsusulong ng mga kasapi ng Democratic Progressive Party ng Taiwan ng "pagsasarili ng Taiwan".