Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: Paglalaro ng ilang politikong Amerikano ng temang "Taiwan," bigong makuha ang suporta

(GMT+08:00) 2020-05-20 13:00:55       CRI

Mula noong Mayo 18 hanggang 19, 2020, idinaos ang Ika-73 Pulong ng World Health Organization (WHO). Muling tinanggihan ng WHO ang pagsapi ng Taiwan sa organisasyong ito, at nabigo ang lobbying ng ilang politikong Amerikano na nagtutulak na "isali ang Taiwan sa WHO." Muli itong nagpapatunay na bigo at walang nakuhang suporta mula sa mga tao ang masamang paglinlang ng ilang politikong Amerikano na nanunulsol ng temang "Taiwan" at nanggugulo sa pulong ng WHO.

Sa katotohanan, alam din ng politikong Amerikano na tiyak na mabibigo ang kanilang paghamon sa prinsipyong "Isang Tsina." Tulad ng sinabi ni Steven Solomon, opisyal na pambatas ng WHO, ang Republika ng Bayan ng Tsina ay siyang tanging lehitimong kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN) system. Aniya, sa isyung ito, kapareho ang paninindigan ng WHO sa isyung ito.

Ang puntong ito ay alam nang lubos ng politikong Amerikano. Ang kanilang totoong tangka ay patuloy na gumamit ng awtoridad ng Democratic Progressive Party (DPP) para hadlangan ang Chinese mainland.

Sa katunayan, sa paunang kondisyon ng prinsipyong "Isang Tsina," isinagawa na ng pamahalaang sentral ng Tsina ang mabuting pagsasaayos tungkol sa paglahok ng Taiwan sa mga suliraning pangkalusugan sa buong daigdig. Layon nitong agaran at mabisang harapin ng Taiwan ang mga biglang sumiklab na insidente ng pampublikong kalusugan sa loob ng Taiwan at buong daigdig. Bukod dito, hindi kailanman ihinihiwalay ang Taiwan sa sistema ng WHO sa pagpigil sa epidemiya sa buong daigdig.

Kung tutuusin, ang tunay na tangka ng awtoridad ng DPP ay "hanapin ang pagsasarili sa pamamagitan ng epidemiya," bagay na eksaktong tumutugma sa pangangailangan ng ilang politikong Amerikano. Kinukuha ng kapwa panig ang sariling pangangailangan lamang.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>