Sa kanyang government work report na inilahad ngayong araw sa taunang sesyong plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan o National People's Congress (NPC), punong lehislatura ng Tsina, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang na sa taong 2020, ipagpapatuloy ng bansa ang pagpapatupad sa proaktibong patakarang piskal at matatag na patakarang pansalapi. Kabilang dito, isasapubliko ang isang trilyong yuan RMB (141 bilyong dolyares) na government bonds bilang tugon sa COVID-19.
Inulit din ni Premyer Li na sa taong ito, pananatilihing matatag sa saligan ng Tsina ang RMB exchange rate alinsunod sa makatwiran at balanseng pamantayan.
Salin: Jade
Pulido: Mac