|
||||||||
|
||
Ipinahayag ngayong araw ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na sa kabila ng iba't ibang pagsubok at kahirapan, natupad ng bansa ang mga target na pangkabuhaya't panlipunan para sa 2019.
Ani Li, umabot sa 99.1 trilyong yuan RMB (13.93 trilyong dolyares) ang Gross Domestic Product ng Tsina noong 2019. Mas mataas ito ng 6.1% kumpara sa 2018. Kasabay nito, pumalo sa 13.52 milyon ang bilang ng bagong trabaho sa kalunsuran, at nabawasan ng 11.09 milyon ang mga mahihirap sa kanayunan. Samantala, lumampas na sa 30,000 yuan RMB (4,217 dolyares) ang karaniwang taunang magagamit na kita o disposable income ng bawat mamamayan.
Binuksan ngayong araw sa Beijing ang taunang sesyong plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan o National People's Congress (NPC), punong lehislatura ng Tsina. Tulad ng nakagawian, ibinada ni Premyer Li ang government work report.
Tatagal hanggang Mayo 28 ang sesyon para sa taong ito.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |