Patuloy na kakatigan ng Tsina ang United Nations (UN) bilang nukleo o core ng pandaigdig na sistema at ang mga pandaigdigang batas bilang batayan ng kaayusang pandaigdig, para itatag ang komunidad na may pinagbibihaginang kinabukasan para sa sangkatauhan.
Ito ang inilahad ngayong araw ni Premyer Li Keqiang sa kanyang government work report para suriin ng taunang sesyong plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan, o National People's Congress (NPC), punong lehislatura ng Tsina.
Diin din ni Li, walang humpay na mananangan pa ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad, palalawakin ang pagbubukas sa labas, at palalalimin ang pagkakaibigan sa iba't ibang bansa. Pangako ng Tsina na palagiang manatiling puwersa ng pagpapasulong ng kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng daigdig.
Salin: Jade
Pulido: Mac