Pasusulungin ng Tsina ang pag-unlad ng pambansang pampublikong sistemang pangkalusugan para maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng sambayanang Tsino. Ito ang winika ngayong araw ni Premyer Li Keqiang sa kanyang government work report para suriin ng taunang sesyong plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan, o National People's Congress (NPC), punong lehislatura ng Tsina.
Saad ni Li, kabilang sa mga mga konkretong hakbangin ang pagrereporma sa sistema ng pagpigil at pagkontrol sa mga sakit, pagpapabuti ng sistema ng direktang pag-uulat at pagbabala sa mga nakahahawang sakit, napapanahong pagsasapubliko ng mga impormasyon kaugnay ng epidemiya, pagpapabilis ng pananaliksik at pagdedebelop ng mga bakuna, gamot, at teknolohiya ng mabilis na pagtetest, at pagtitiyak ng mga suplay na pangkagipitang materyales.
Salin: Jade
Pulido: Mac