|
||||||||
|
||
Ito ang ipinahayag Sabado, Mayo 23, 2020 ni Pangulong Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa kanyang pagdalo sa group meeting ng mga kagawad mula sa sektor ng kabuhayan na kalahok sa ginaganap na sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).
Muli ring pinuri ni Xi ang mga pribadong bahay-kalakal sa kanilang kagila-gilalas na pag-unlad, at naibigay na ambag para sa sosyalismong may katangiang Tsino.
Ayon ka Pangulong Xi, dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic, nahaharap ang takbo ng kabuhayang Tsino sa medyo malaking presyur.
Kaya, inenkorahe niya ang mga pribadong bahay-kalakal na walang-patid na humanap ng kalutasan sa magkakaibang hadlang sa magkakaibang panahon, at magpunyagi upang panaigan ang mga ito, upang makamtan ang bagong landas ng pag-unlad.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |