|
||||||||
|
||
Ipinahayag Mayo, 24, 2020, sa Beijing, ni Wu Qian, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina na buong tatag na tinututulan ng Tsina ang pagbebenta ng Amerika ng mga sandata sa Taiwan.
Mahigpit aniyang hinihimok ng Tsina ang Amerika na agarang itigil ang aksyong ito at ibang ugnayang militar sa Taiwan.
Ipinatalastas noong Mayo 20, 2020 ng Kagawaran ng Estado ng Amerika na inaprobahan na nito ang pagbebenta ng mga sandata sa Taiwan na nagkakahalaga ng 180 milyong dolyares.
Hinggil dito, ipinahayag ni Wu na ang aksyong ito ay malubhang lumalabag sa prinspyo ng Isang Tsina at regulasyon ng Tatlong Magkakasamang Komunike ng Tsina at Amerika.
Hinihimok aniya ng Tsina ang Amerika na agarang itigil ang gawaing ito para maiwasan ang lalo pang kapinsalaan sa relasyon ng dalawang bansa at dalawang hukbo.
Isasagawa aniya ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina ang anumang kinakailangang hakbangin para mapangalagaan ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa, at mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng Taiwan Straits.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |