Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Komentaryo: Christopher Francis Patten, mayroong ding national security law sa iyong bansa!

(GMT+08:00) 2020-05-25 16:46:55       CRI

Habang tinutugunan ng pamahalaang sentral ng Tsina ang mithiin ng mga mamamayan at napagpasiyahang kumpletuhin ang batas sa pambansang seguridad, paulit-ulit namang ipinapahayag ni Christopher Francis Patten at kanyang mga tagasunod na "tumataliwas di-umano ang national security law sa Hong Kong sa mithiin ng mga taga-Hong Kong" at "lumalabag ito sa kaukulang lehislasyon ng Tsina sa magkasanib na pahayag ng Tsina at Britanya."

Simula noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo, di-kukulanging sa 3 malawakang mapanalakay na digmaan ang inilunsad ng Britanya laban sa Tsina.

Ngunit hanggang sa ngayon, wala pang anumang paumanhin o kompensasyong ginawa ng Britanya tungkol dito.

Higit sa lahat, hanggang sa ngayo'y patuloy pa ring nakikialam ang mga walang-hiyang politikong Britaniko sa suliraning panloob ng ibang bansa.

Cartoon documentary na gawa ng pintor na Hapones na naglalarawan sa pagsalakay ng magkakasanib na tropa ng 8 bansa laban sa Tsina

Ayon sa "Magkasanib na Pahayag ng Tsina at Britanya" makaraang bumalik ang Hong Kong sa inangbayan, ang Saligang Batas ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ang magsisilbing pundamental na batas ng awtonomiya ng Hong Kong.

Sa lahat ng bansang may nagsasarili at kumpletong soberanya sa buong daigdig, iginagarantiya ng kani-kanilang national security law ang lahat ng teritoryo na kinabibilangan ng mga rehiyong awtonomo.

Ayon sa opisyal na website ng lehislasyon ng pamahalaang Britaniko, ang pinakamaagang batas nito tungkol sa pambansang seguridad ay inakto noong taong 1848 kung saan, may bias pa rin ang ilang bahagi nito hanggang sa ngayon.

Madalas ding ginagamit ng Britanya, nitong ilang taong nakalipas ang "Panukalang Batas ng Paglaban sa Terorismo at Seguridad" na isinapubliko noong taong 2015.

Mas malaki ng mahigit sampung beses ang teritoryo at populasyon ng Tsina kumpara sa Britanya.

Sa aspekto ng paggarantiya sa pambansang seguridad at pangangalaga sa kapayapaan sa loob at labas ng bansa, may mas malaking responsibilidad at obligasyon ang Tsina.

Ang kaukulang batas sa seguridad ng Tsina ay nakakapagbigay ng mas malalim na damdamin ng kaligtasan at katatagan para sa sariling mamamayang kinabibilangan ng mga taga-Hong Kong.

Sa mensahe sa Twitter ni Angelo Giuliano, isang Swiss national na naninirahan sa Hong Kong, sinabi niyang "tulad ng lahat ng lugar sa daigdig, priyoridad ang lehislasyon ng pambansang seguridad sa Hong Kong. Ito ang magsasanggalang sa amin laban sa mga banta ng dayuhang panghihimasok at terorismo.

Sa ngayon, di-iginagalang ng ilang politikong Britaniko ang kasaysayan at binabalewala ang katotohanan.

Ngunit ipapakita sa kanila ng determinasyon ng mga mamamayang Tsino, na ang imperyalismo ay hindi na muli makapanghihimasok, at ang nalalabing kolonyal na paniniwala sa Tsina ay madudurog.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>