Ipininid Mayo 28, 2020, ang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan o National People's Congress (NPC) ng Tsina. Sa preskon, sinagot ni Premiyer Li Keqiang ng Tsina ang 11 tanong ng mga mamamahayag, na may kinalaman sa mga temang tulad ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino, pagbubukas at kooperasyon at iba pa.
Isinalaysay ni Premiyer Li ang hakbangin ng pamahalaang Tsino na pasiglahin ang pamilihan, na kabilang sa sisiguruhin ay ang trabaho at pundamental na pamumuhay ng mga mamamayan at iba pa. Binigyan-diin niya na buong tatag na pinapasulong ng Tsina ang pagbubukas sa labas, patuloy na palalawakin ang kooperasyong pandagidig, at ipapalabas ang mas maraming patakaran sa pagpapalawak ng pagbubukas.
Tinukoy din ni Li na sa kasalukuyan, kinakaharap ng komunidad ng daigdig ang dobleng hamon, at kailangan ang kooperasyon sa kapuwang paglaban sa epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at pagpapaunlad ng kabuhayan. Ipinahayag niya na nakahanda ang Tsina na aktibong pasulungin ang iba't ibang sistema ng bilateral at multilateral na kooperasyon, at pahalagahan ng pamahalaang Tsino ang pananatili ng katatagan ng industry chain at supply chain, at pagpapasulong ng malayang kalakalan. Makakabuti ito sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig sa ginta ng pandemiya, saad ni Li.
Sa dalawang sesyon ngayong taon, ang isang serye ng hakbangin na inilabas ng pamahalaang Tsino ay lubos na nagpakita ng ideya ng "Mamamayan muna." Dinagdagan nito ang kompiyansa ng mga mamamayang Tsino sa pagpawi ng kahirapan, at pinataas din ang pananalig sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Salin:Sarah