Nang kapanayamin Mayo 27, 2020 ng mamamahayag ng China Media Group (CMG), tinukoy ni George Lam, Chairman of Hong Kong Cyberport Management Company Limited, na ang pagkakatatag ng sistemang pambatas at mekanismo ng pagpapatupad ng batas ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) sa pangangalaga ng national security, ay maaaring igarantiya ang katatagan ng HK. Ito'y angkop sa pangmatagalang kapakanan ng pag-unlad ng HK.
Sinabi niya na ang HK National Security Legislation ay tugon sa mga malubhang krimen na tulad ng paghihiwalay ng bansa. Hindi maaapektuhan nito ang normal na negosyo sa HK ng mga investors ng buong daigdig.
Kasabay nito, ipinahayag din ni Lam na ang HK National Security Legislation ay nagpakita ng komong kapakanan at pundamental na benepisyo ng lahat ng mamamayang Tsino na kinabibilangan ng mga taga-HK. Maaaring isakatuparan ng HK ang mas malaking pag-unlad sa mas Ligtas at mas matatag na kapaligiran.
Umaasa si Lam na sa paggarantiya ng HK National Security Legislation, maaaring unti-unting pabubutihin ng HK ang sistema ng espesyal na rehiyong administratibo, para makuha ang mas maraming pag-unlad at kasayahan ng mga mamamayan ng buong daigdig.
Salin:Sarah