Ipinahayag kamakailan ni Maria Zakharova, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Rusya, na sa panahon na kailangang magkaisa ang buong daigdig para labanan ang coronavirus, ang pagsuspendi ng Amerika ng relasyon sa World Health Organization (WHO) ay malubhang lumalapastangan sa pundasyon ng pandaigdigang batas sa larangan ng pandaigdigang kooperasyong pangkalusugan.
Tinukoy niya na ang mga nagaganap na tradehiya sa sistemang medikal ng Amerika ay lubos na nagpapatunay na walang anumang kuwalipikasyon ang Amerika sa pagtalakay tungkol sa namumunong katayuan sa larangang ito.
Salin: Lito