|
||||||||
|
||
Ayon sa estatistika na magkasamang ipinalabas Mayo 31, 2020, ng National Bureau of Statics ng Tsina at China Federation of Logistics & Purchasing (CFLP), umabot sa 50.6% ang Purchasing Managers' Index (PMI) ng manufacturing industry ng Tsina noong Mayo.
Ito ay bumaba ng 0.2% kumpara noong Abril, pero pasok pa rin ito sa Entrepreneurs confidence threshold.
Samantala, umabot sa 51.6% ang PMI ng mga malalaking kompanya, na tumaas ng 0.5% kumpara noong Abril.
Batay sa mga datos na ito, ipinalalagay ng mga dalubhasa na ang kabuhayang Tsino ay nasa proseso ng muling paglaki.
Ipinakita rin ng estatistika na mainam ang paglaki ng mga industriyang may kinalaman sa serbisyo ng impormasyon; at patuloy na tumataas ang mga bagong paraan ng konsumpsyon na tulad ng E-commerce at iba pa.
Ang mga ito ay nagdulot ng pangmatagalang kasiglahan ng industriya ng express delivery.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |