|
||||||||
|
||
Ayon sa datos na isinapubliko nitong Lunes, Disyembre 16, 2019 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, noong nagdaang Nobyembre, lumitaw ang positibong pagbabago sa pagtakbo ng pambansang kabuhayan. Mas bumuti rin ang mga pangunahing indeks ng ekonomiya, kaysa inaasahan; at nananatiling matatag ang paglaki ng pambansang kabuhayan. Ipinakikita nito ang napakalakas na pleksibilidad at potensyal ng kabuhayang Tsino, at mayroon itong pundasyon at kondisyon sa pagsasakatuparan ng inaasahang target sa buong taon.
Sa kalagayan ng mabagal na paglaki ng kasalukuyang kabuhayang pandaigdig, at pagbabago at pag-u-upgrade ng kabuhayang pambansa, ang pagkakaroon ng nasabing mainam na sengales ng kabuhayang Tsino ay dahil sa bentahe ng sobrang laking merkado at potensyal ng pangangailang panloob, at napakalaking human capital at yamang talento.
Sa hinaharap, patuloy na igigiit ng Tsina ang matatag na pag-unlad. Kasabay ng pagpapasulong ng sariling de-kalidad na pag-unlad, patuloy na makakapagbigay ang Tsina ng ambag para sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |