Ayon sa pinakahuling datos na isinapubliko Lunes, Disyembre 16, 2019 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, noong unang labing-isang (11) buwan ng kasalukuyang taon, nananatiling matatag sa kabuuan ang pagtatakbo ng pambansang kabuhayan ng bansa. Ipinakikita nito na walang pagbabago sa tunguhin ng matatag na paglaki ng kabuhayang Tsino.
Bukod dito, bunga ng magkasamang pagsisikap ng mga trade group ng Tsina at Amerika, sa pundasyon ng pagkakapantay-pantay at paggagalangan sa isa't-isa, nagkasundo kamakailan ang dalawang panig sa teksto ng kasunduang pangkabuhayan at pangkalakalan sa unang yugto. Ito ay nakakapagpababa sa di-katiyakan sa merkado, nakakapagpalakas sa kompiyansa ng merkado, at nakakapagpatingkad ng positibong papel paglaki ng kabuhayan ng Tsina at buong daigdig.
Salin: Li Feng