Tinukoy kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang pagkakatatag ng malayang daungang pangkalakalan sa lalawigang Hainan ay mahalagang estratehikong kapasiyahan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) para pasulungin ang inobasyon at pag-unlad ng soyalismong may katangiang Tsino.
Ito rin aniya ay malaking pangyayari sa proseso ng reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina sa bagong panahon.
Sa ilalim ng sistema ng soyalismong may katangiang Tsino, ang malayang daungang pangkalakalan sa Hainan ay dapat makaabot sa mga pandaigdigang tuntuning pangkabuhayan at pangkalakalan sa mataas na lebel, makatulong sa malayang daloy ng mga elemento ng pagpoprodyus, at maging mataas sa kalidad at pamantayan, diin ni Xi.
Kabilang sa ilang pangunahing yugto ng pagtatatag ng malayang daungang pangkalakalan sa Hainan ay: pagbuo hanggang sa taong 2025 ng sistemang pampatakarang makakabuti sa malayang kalakalan at pamumuhunan; gawin itong modelo ng bukas na kabuhayan ng Tsina hanggang sa taong 2035; at makakaabot ito sa primera klaseng mga pamantayang pandaigdig hanggang sa taong 2050.
Salin:Sarah