|
||||||||
|
||
Sa pinakamasusing panahon ng pakikibaka ng buong daigdig sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ipinalatastas kamakailan ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang pagsibak sa relasyon sa World Health Organization (WHO) sa katuwirang "pagtanggi ng WHO na isagawa ang reporma ayon sa kahilingan ng Amerika."
Umuulan ng matinding pagkondena para sa Amerika dahil sa kanyang nagawa.
Sa harap ng pagkalat ng COVID-19 sa buong mundo, ang pagkakaisa at pagtutulungan ang pinakamalakas at pinakamabisang paraan para mapagtagumpayan ang pandemiya.
Ngunit, kahit walang siyentipikong katunayan, ina-atake at tinatangkang kontrolin ng ilang politikong Amerikano ang WHO dahil ayaw nitong sumunod sa kanilang insinuwasyon.
Inilalagay ng mga politikong ito, ang sariling pribadong kapakanan sa itaas ng pangkalahatang kalagayan ng pakikibaka ng daigdig laban sa epidemiya.
Nagsisilbi itong napakalaking hadlang sa paglaban ng buong daigdig sa pandemiya.
Bilang pinaka-awtorisado at pinakapropesyonal na organong pandaigdig sa larangan ng seguridad ng pampublikong kalusugan, ang WHO ay mayroong di-mahahalinhang papel sa aspekto ng pakikipagkoordina sa iba't-ibang bansa sa pagharap sa epidemiya.
Unibersal na pinapurihan ng komunidad ng daigdig ang ibinibigay nitong pagsisikap at ambag.
Makaraang unilateral na ipatalastas ng Amerika ang pagtalikod sa WHO, magkakasunod na pinuna ng komunidad ng daigdig ang nasabing kapasiyahan.
Anila, ito ay tiyak na makakapinsala sa kapakanan ng pampublikong kalusugan ng buong daigdig.
Katulad ng tinukoy ng ilang tagapag-analisa, sapul nang umakyat sa poder ang kasalukuyang pamahalaang Amerikano, iginigiit nito ang "pagpapauna sa Amerika" at malawakang isinasagawa ang unilateralismo.
Sa kasalukuyan, umabot sa halos 1.8 milyon ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika, at halos 104 libo ang bilang ng mga nasawi.
Kaugnay ng nasabing kapasiyahan, magkakasunod na binatikos ng iba't-ibang panig ang Amerika.
Anila, ang kapasiyahang ito ay nagbibigay ng mas malaking hadlang sa pakikibaka laban sa epidemiya.
Walang kinikilalang hanggahang pang-estado ang virus, at hindi ito maaaring pagtagumpayan ng isang bansa lamang.
Ang pagputol ng Amerika sa relasyon sa WHO ay tumataliwas sa pangkalahatang tunghin ng daigdig, at ibayo pa nitong ihinihiwalay ang Amerika sa daidig.
Kahit tinalikuran ng Amerika ang WHO, hindi nito ititigil ang tungkulin.
Pero dahil sa pagtalikod na ito, mahaharap ang buhay ng mga mamamayang Amerikano sa mas malaking panganib dahil sa kasakiman ng ilang politikong Amerikano.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |