|
||||||||
|
||
"Sa ngayon, tayo ay abala sa paglaban sa virus, at hindi ito ang panahon para sa pagtuturo at pagbabaling ng sisi."
Ito ang sinabi ni Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina sa kanyang panayam kamakailan sa Serbisyo Filipino-China Media Group (SF-CMG).
Aniya, ang importante ngayon ay kooperasyon ng lahat ng bansa at pag-aralan ang mahahalagang karanasan mula sa Tsina, Amerika, Europa, at Pilipinas upang magamit sa pandaigdigang paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Dagdag ni Sta. Romana, mahalaga siyempreng malaman ang pinagmulan at katangian ng virus upang maiwasan ang muling pagkaganap ng katulad na pangyayari, pero, ang paggamit ng isyu ng COVID-19 sa pamumulitika ay hindi karapat-dapat.
Binigyang-diin pa ng embahador Pilipino, na ang pinakamahalaga sa panahong ito ay pag-aralan ang mga karanasan, i-enkorahe ang mas matalik na kooperasyon ng lahat at sama-samang sumulong tungo sa tagumpay.
"Maraming aral ang ipinakikita ng karanasan ng Tsina sa pagpuksa sa virus, at dito napaka-interesado ang Pilipinas," anang embahador.
Aniya, ang pinakamithiin ng Pilipinas ay kontrolin ang paglaganap ng virus, upang muling makapagsimula ang ekonomiya ng bansa.
Ulat: Rhio
Video: Wang Zixin
Web Editor: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |