Ayon sa ulat ng National Broadcasting Corporation (NBC) at pahayagang "The Hill" ng Estados Unidos nitong Lunes, Hunyo 1, local time, 2020, sa proseso ng mga pag-aresto nitong nakalipas na 5 taon, ginamit ng Minneapolis Police Department (MPD) ang di-kukulangin sa 237 beses na neck restraint, kabilang dito, di-kukulangin sa 44 na katao ang nawalan ng malay dahil sa pag-ipit sa leeg.
Tinukoy ni Shawn Williams, Asistenteng Propesor ng St.Cloud State University ng Minnesota, na "kung angkop na gagamitin ang neck restraint, kusang mapapasuko ang mga suspek, at maaaresto ang suspek ng walang panganib sa katawan. Pero kung mali ang paraan ng paggamit, makakapinsala ito sa organs ng suspek, mailalagay rin sa panganib sa buhay.
Sinabi naman ni Tom Nolan, Associate Professor ng Criminology ng Boston University, na sinusuportahan ng kultura ng sirkulong pulisya ng Amerika ang paggamit ng karahasan, lalong lalo na, karahasang nakatuon sa mga African-American.
Diin niya, ito ang kasaysayan ng Amerika, at hindi ito nagbabago, sa halip, ipinagpapatuloy ito nitong nakalipas na ilanpung taon.
Salin: Vera