|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono Hunyo 3, 2020, kay Angela Merkel, Chancellor ng Alemanya, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ito ang ikatlong beses nilang pag-uusap sa telepono sapul nang maganap ang Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ito aniya ay nagpapakita ng matibay na pagtitiwalaang pulitikal at mahigpit na estratehikong komunikasyon ng dalawang panig.
Ani Xi, pinapupurihan ng Tsina ang pamahalaan ng Alemanya sa pananangan nito sa obdiyektibong paninindigan.
Nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ang Alemanya, para sa magkasamang pagsuporta sa gawain ng World Health Orgnization (WHO), pasulungin ang kooperasyong pandaigdig, katigan ang mga bansang Aprikano sa paglaban ng COVID-19, at magbigay ng ambag para sa pangangalaga ng pandaigdigang kalusugan.
Binigyan-diin ni Xi na hindi magbabago ang matatag at mabuting kalagayan ng kabuhayang Tsino sa mahabang panahon.
Buong tatag na pinapapasulong ng Tsina ang pagbubukas sa labas, pinalalawak ang kooperasyong pandaigdig, at nakahanda ang bansang patuloy na lumikha ng mainam na kapaligiran para sa mga kompanyang Aleman na namumuhunan sa Tsina, saad ng pangulong Tsino.
Ipinahayag naman ni Merkel na pinahahalagahan ng Alemanya ang mga planong ginawa ng "Dalawang Sesyon o Liang Hui" ng Tsina hinggil sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.
Nakahanda ang Alemanya na patuloy na palalalimin ang kooperasyong pangkabuhayan ng dalawang bansa, dagda ni Merkel.
Samantala, ipinatalastas ni Pangulong Xi, na ang bakunang sinasaliksik ng Tsina ay produkto para sa pampublikong kaligtasan ng buong daigdig.
Ipinahayag naman ni Merkel ang papuri hinggil dito.
Nakahanda aniya ang Alemanya na panatilihin ang mahigpit na pakikipagkoordinasyon sa Tsina para pasulungin ang mas mataas na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Alemanya, at relasyon ng Tsina at Europa.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |