|
||||||||
|
||
Tinukoy Hunyo 3, 2020, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Amerika ay walang kaugnayan sa alitan sa South China Sea, pero madalas itong lumilikha ng kaguluhan sa nasabing rehiyon, at ito'y hindi makakabuti sa kapayapaan at katatagan ng nasabing karagatan.
Sinabi ito ni Zhao bilang tugon sa sinabi, Hunyo 2, 2020 ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, sa kanyang liham sa Pangkalahatang Kalihim ng United Nations bilang protesta sa ilegal di-umanong kagustuhan ng Tsina sa South China Sea.
Binigyan-diin ni Zhao na ang soberanya sa teritoryo at karapatang pandagat ng Tsina sa South China Sea ay napapaloob sa mahabang kasaysayan, at lahat ng nakaraang administrasyong Tsino ay may matatag na pananalig sa isyung ito.
Angkop ito sa mga batas na pandaigdig, at hindi ito mababago dahil sa di-makatuwirang pananalita, diin ni Zhao.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |