Hangzhou, probinsyang Zhejiang ng Tsina — Binuksan nitong Lunes, Oktubre 21, 2019 ang limang araw na International Training Class on South China Sea Tsunami Advisory. Dumalo rito ang mga 30 mag-aaral mula sa advisory department at emergency management department ng mga bansang gaya ng Tsina, Pilipinas, Malaysia, at Biyetnam para tanggapin ang mga espesyal na pagsasanay.
Makaraang maaprobahan ng Intergovernmental Oceanographic Commission ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), pormal na isasagawa ng South China Sea Tsunami Advisory Center ang serbisyo sa Nobyembre 5 ng kasalukuyang taon. Ipagkakaloob ng sentrong ito ang all-weather advisory service ng lindol at tsunami sa 9 na bansang nakapaligid sa South China Sea na kinabibilangan ng Tsina, Brunei, Cambodia, Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore, Thailand, at Biyetnam.
Salin: Lito