|
||||||||
|
||
Halos 150 araw pa bago buksan ang Ika-3 China International Import Expo (CIIE), pero may bagong progreso ang iba't ibang gawaing preparatoryo sa komersyal na pagtatanghal sa ekspong ito.
Lampas na sa 90% ng pinaplanong saklaw ang nalagdaang sona ng koemrsyal na pagtatanghal ng mga bahay-kalakal.
Ginanap nitong Sabado at Linggo sa National Convention and Exhibition Center (Shanghai) ang shopping fair para sa mga inangkat na paninda.
Sinabi ni Tang Lei, Deputy Director of Sales ng Forestlee Corp (East China), isang kompanyang Hapones na tatlong beses nang lumalahok sa CIIE na ang ganitong shopping fair ay nagkaloob ng mas maraming pagkakataon para sa pakikipagpalitan ng mga exhibitor sa mga mamimiling Tsino.
Aniya, makakabuti ito sa pagpapalakas ng kompiyansa ng mga exhibitor sa pamilihang Tsino.
Sa isa pang may kinalamang ulat, nilagdaan nitong Sabado ng hapon, Hunyo 6, 2020 ng China International Import Expo Bureau, National Convention and Exhibition Center (Shanghai) at pamahalaan ng Zigong City, Lalawigang Sichuan ng Tsina ang kasunduan sa estratehikong kooperasyon.
Batay sa kasunduang ito, ang Zigong lantern show ay magsisilbing kauna-unahang intangible cultural heritage program na papasok sa Ika-3 CIIE.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |