|
||||||||
|
||
Isinapubliko kamakailan ng pamahalaang Tsino ang White Paper na pinamagatang "Aksyon ng Tsina sa Pakikibaka Laban sa COVID-19", na nagpaliwanag ng mga ideya, hakbang at mungkahi ng Tsina sa pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), na lubos na nagpakita ng diwa ng pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan, at ang responsibilidad ng Tsina bilang isang malaking bansa.
Ang "kooperasyon" ay salita na madalas na ginagamit sa mga white paper. Ang pagkakaisa at pakikipagkooperasyon ay pinakamalakas na sandata sa paglaban sa COVID-19 ay mungkahi na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Sapul nang lumitaw ang epidemiya, nakipag-palitan si Xi sa 50 lider ng iba't ibang bansa o pandaigdigang organisasyon hinggil sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, na nagpakita ng diwa ng magkakasamang pagtatatag ng ideya ng Tsina na pinagbabahaginang kalusugan ng buong sangkatauhan, at nagdulot ng kompiyansa at lakas sa pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa epidemiya.
Binigyan-diin ng white paper na hindi makakalimutan ng mga mamamayang Tsino ang suporta at tulong na ipinagkaloob ng komunidad ng daigdig sa Tsina. Kasabay nito, ipinagkaloob din hangga't makakaya ng Tsina ang positibong reaksyon sa buong mundo. Sa proseso ng kooperasyon na tulad nito, naging mas mabuti ang relasyon ng Tsina at mga bansa.
Ngayon, patuloy na kumakalat ang epidemiya ng COVID-19 sa buong daigdig. Iniharap ng white paper ang mga mungkahi hinggil isyung ito, kabilang ang patuloy na pagsasagawa ng kooperasyong pandaigdig, pagkakaloob ng tulong sa mga bansa at rehiyon na may mahinang kakayahan, pabutihin ang pandaigdigang sistema ng pampublikong kalusugan at iba pa.
Naapektuhan ng epidemiya ng COVID-19 ang kabuhayan ng buong daigdig, pero, sa panaho na ito, inilabas ng ilang pulitikong kanluranin ang mga masamang pananalita na tulad ng "deglobalization" at iba pa. Hinggil dito, binigyan-diin muli ng white paper na nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng iba't ibang bansa, patuloy na palakasin ang koordinasyong pandaigdig sa makro-ekonomiya, para magkakasamang mapangalagaan ang katatagan at kaligtasan ng supply chain ng industriyang pandaigdig.
Ang pagkakaisa ay malakas na puwersa. Sa harap ng epidemiya ng COVID-19, nanawagan ang white paper na ang paglaban sa COVID-19 ay aksyon ng pangangalaga sa kaligtasan ng kalusugang pampubliko, kasaganaan, at pag-unlad ng daigdig. Sa prosesong ito, magbibigay ang Tsina ng ambag para sa buong sangkatauhan.
Salin:Sarah
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |