|
||||||||
|
||
Idinaos nitong Martes, Hunyo 9, 2020 ang ika-10 mataas na estratehikong diyalogo ng Tsina at Europa sa pamamagitan ng video conferencing na magkasamang pinanguluhan nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Josep Borrell Fontelles, Mataas na Kinatawan ng Unyong Europeo (EU) sa Patakarang Diplomatiko at Panseguridad.
Ipinahayag ni Wang na nitong 45 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at EU, nakaranas ang relasyong Sino-Europeo ng pagbabago sa pandaigdigang situwasyon, napapanatili ang pangunahing tunguhin ng kooperasyon, ipinakikita ang napakalakas na bitalidad, at natamo ng diyalogo at kooperasyon ng dalawang panig ang kapansin-pansing bunga sa iba't-ibang larangan. Ipinakikita aniya nito na mas higit ang kooperasyong Sino-Europeo kaysa kompetisyon, at mas marami ang kanilang pagkakasundo kaysa alitan.
Sinabi ni Wang na bagama't magkaiba ang sistemang panlipunan ng Tsina at Europa, ito ang pinagpipiliang ginawa ng mga mamamayan ng kapwa panig.
Diin ni Wang, bilang dalawang malaking puwersa, pamilihan, at sibilisasyon sa daigdig, dapat patatagin ng Tsina at Europa ang kanilang pagkakasundo sa multilateralismong magkasama nilang iginigiit.
Inilahad pa ni Wang ang prinsipyo at posisyon ng pamahalaang Tsino sa isyu ng Hong Kong.
Ipinahayag naman ni Borrell na iginagalang ng panig Europeo ang landas ng pag-unlad na pinili ng mga mamamayang Tsino. Pinahahalagahan aniya ng EU ang nagagawang mahalagang papel ng Tsina sa komunidad ng daigdig. Nakahanda aniya ang EU na magsikap kasama ng panig Tsino para magkasamang pagplanuhan at mapasulong ang kanilang pragmatikong kooperasyon sa iba't-ibang larangan.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |