|
||||||||
|
||
Ayon sa estadistika ng Johns Hopkins University ng Amerika, hanggang 16:33H, Hunyo 10, 2020 (local time), pumalo sa halos 2 milyon ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa naturang bansa, at 112,647 ang namatay dahil dito.
Ayon pa sa estadistika ng "New York Times," kasunod ng pagpapaluwag ng restriksyon sa pagpigil sa epidemiya sa iba't-ibang lugar ng Amerika, tumaas ang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa 21 estado nitong 14 na araw na nakalipas.
Isiniwalat naman ng isang mataas na opisyal ng Amerika, sa loob mismo ng White House, malinaw na dumadalang ang paglahok ni Pangulong Donald Trump sa pulong ng working group tungkol sa epidemiya.
Kahit sa kasalukuyang masusing panahon ng pakikibaka sa COVID-19, ang inaatupag ni Trump ay ang pagtakbo sa susunod na eleksiyon.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |